Ang lamok na kay liit, hindi dapat maliitin
Dahil kapag ang kamandag nito, sa katawan mo’y makasingit
Baka ang buhay mo, o ng mga mahal mo sa buhay, ang maging kapalit.
Ito ay dahil sa isang sakit na kung tawagin ay ‘DENGUE’ mula sa klase ng bababeng lamok na ‘Aedes aegypti’.
Karaniwang nangingitlog ang ‘Aedes aegypti’ sa malilinis at stagnant o hindi umaagos na tubig.
Umaatake o nangangagat lamang ito tuwing umaga, simula alas-singko ng umaga hanggang alas-singko ng gabi.
Kadalasang nabibiktima ng sakit na dengue ay pawang mga kabataan dahil sa mas madaling humina ang kanilang resistensya.
Batay sa pinakahuling datos mula sa Department of Health (DOH), pumalo na sa halos 150,000 ang kaso ng mga nagkakasakit ng dengue sa buong bansa kung saan mahigit 600sa mga ito ang kumpirmadong nasawi.
Hindi basta-basta ang sakit na dengue. Nagsisimula lang ito sa simpleng lagnat, subalit tumatagal ito ng ilang linggo hanggang sa buwan na kadalasang nauuwi sa komplikasyon o ang mas masaklap.. KAMATAYAN.
Kaya naman dahil sa naka-aalarmang bilang na ito ng naitalang kaso ng dengue sa bansa, inatasan na ni pangulong rodrigo duterte ang lahat ng ahensya ng pamahalaan na sama-samang kumilos para labanan ang nakamamatay na sakit na ito.
Gaano na nga ba kalala ang kaso ng dengue sa Pilipinas?
Pakinggan ang buong ulat ng Siyasat: Panganib ng Dengue