Pinagpapaliwanag ni Senador Panfilo Lacson ang Philhealth o Philippine Health Insurance Corporations sa mga anito’y depektibong polisya na nagdudulot ng malaking pagkalugi sa ahensya
Ito’y kasunod na rin ng samu’t saring kontrobersiya na kinasasangkutan ng ahensya kung saan, aabot sa bilyung-bilyong piso ang nawawala rito
Ayon kay Lacson, dapat may managot sa pagkaluging ito ng ahensya lalo’t ito ang pangunahing nagbibigay serbisyo sa mga may sakit na pilipino
Giit pa ng Senador, mayruon namang quasijudicial powers ang Philhealth na siyang may pananagutan na imbestigahan ang mga pasaway na Care Institutions at providers nito