Muling isinusulong ni Senator Francis “Kiko” Pangilinan ang mandatory autopsy para sa mga naging biktima ng umano’y EJK o Extra Judicial Killings sa bansa.
Layunin ng Senate Bill 428 na makatulong sa imbestigasyon ng tumataas na bilang ng pagpatay simula noong 2017.
Sa ngayon, ang pinapayagan lamang na maisailalim sa autopsy ay ang mga bangkay na hindi malinaw ang dahilan ng pagkamatay.
Una na itong isinulong ni Pangilinan taong 2017 dahil sa laganap na patayan na umano’y may kinalaman sa kampanya kontra iligal na droga.