Ginunita ng Commission on Human Rights o CHR ang ikalawang anibersaryo ng pagkamatay ng isa sa mga biktima ng kampanya kontra illegal drugs na si Kian Delos Santos.
Ayon kay CHR Spokesperson Atty. Jacqueline De Guia, hinihikayat nila ang gobyerno na imbestigahan ang lahat ng kaso na may kaugnayan sa war on drugs.
Nanawagan din ang CHR official sa publiko na wag manahimik sa gitna ng karahasan, lumaban sa ano mang uri ng pang aabuso at mabigyan ng hustisya ang lahat ng biktima ng EJK o Extra Judicial Killings sa bansa.
Agosto 16, 2017 nang mapatay ng mga pulis Caloocan si Kian matapos umanong manlaban habang nasa operasyon kontra iligal na droga.