Inalala ng mga taga-Naga City ngayong araw ang ika-pitong anibersaryo ng kamatayan ni dating Interior and Local Government Secretary Jesse Robredo.
Alas nueve kaninang umaga, nag-alay ng bulaklak at naggawad ng plaque ng pasasalamat para sa bayan ng Tinambac sa Camarines Sur.
Binuksan din ang Jesse’s portraits special exhibit na pinangunahan ng Salingoy Art Group na sinundan ng culminating activity kasabay ng ika-33 anibersaryo ng Naga City urban poor foundation.
Dumalo sa mga nasabing aktibidad ang biyuda ng kalihim na si Vice President Leni Robredo kasama si Camarines Sur 3rd District Rep. Gabriel Bordado Jr at Naga Mayor Nelson Legacion.
Magugunitang bumagsak sa araw na ito noong 2012 ang Cessna Piper Plane na sinasakyan ni Robredo sa karagatang sakop ng Masbate na siyang nagdulot ng kaniyang maagang pagkasawi.