Muling tinanggihan ni Supreme Court Associate Justice Marvic Leonen ang nominasyon sa kanya bilang susunod na Chief Justice.
Ayon kay Supreme Court Spokesman Brian Keith Hosaka, walang inilahad na dahilan si Leonen sa muling pagtangi sa nominasyon.
Sa ipinalabas na pahayag ni Leonen, iginiit nito na pinakamainam para sa kanyang sarili, sa Korte Suprema at sa bansa ang kanyang naging pasiya.
Tiniyak din ni Leonen ang buong suporta sa sinumang maitatalaga bilang susunod na punong mahistrado.
Bilang isa sa limang senior associate justice, si Leonen ay otomatikong nominado para pagpilian bilang susunod na punong mahistrado kapalit ni Chief Justice Lucas Bersamin na nakatakdang magretiro sa October 18.