Tinanggihan na rin ni Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio ang kanyang automatic nomination para maging susunod na punong mahistrado.
Ayon kay Carpio, hindi niya na tinanggap ang nominasyon dahil meron na lamang walong araw mula sa pagkakabakante ng posisyon sa chief justice at sa kanyang nakatakdang compulsory retirement.
Nakatakdang magretiro si Chief Justice Lucas Bersamin sa October 18 kung saan maaabot niya na ang compulsory retirement age na 70 habang sa October 26 naman si Carpio.
Si Carpio ang isa sa pinakamatagal na mahistrado ng Korte Suprema kung saan nanungkulan ito sa loob ng 18 taon.
Una na nang nagpahayag ng kanyang pagtanggi sa automatic nomination si Supreme Court Associate Justice Marvic Leonen.