Malabo na umanong matalakay sa plenaryo ng Kamara ang panukalang Bangsamoro Basic Law o BBL.
Ayon kay House Majority Leader Neptali Gonzales II, imposible na aniya ito gayung mayroon na lamang silang 3 session days.
Binigyang diin pa ni Gonzales, mas tinututukan nila sa ngayon ang pagtalakay sa panukalang pambansang pondo sa susunod na taon.
Isa pa sa kanilang pinoproblema ang quorum na siyang pinakamahalaga upang makapagpasa ng isang batas.
By Jaymark Dagala