Kinontra ni Senador Panfilo Lacson ang pahayag ni Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) Commissioner Greco Belgica na ‘insignificant’ o balewala lamang ang P100,000 cash gift sa isang opisyal ng gobyerno.
Ayon kay Lacson, napakalaki ng P100,000 para sabihing nominal o maliit na halaga lamang itong na cash gift na ubrang tanggapin ng government official bagamat pinag-aaralan aniya ng kaniyang tanggapan kung ano ba ang maikukunsidera na nominal amount.
Sinabi ni Lacson na dapat maglagay ng relative to base pay o pupuwedeng sabihing 5% ng base pay at hindi ang take home pay kasi napakalaki kung isinampa maging ang komisyon sa pork barrel.
Dapat aniya ay base pay lang o kung anong base pay ng kawani ng gobyerno, yun lang pagbabasehan ng numero.
Inihalimbawa ni Lacson na kung 5% ang pinakamataas na sweldo ng base pay na P200,000, mga 100,000 lamang ito o kung 6,000 o 7,000 ang suweldo, ang 5% nito ay P350.00 at ito ang uubrang pakahulugan ng nominal.
Binigyang diin pa ni Lacson na ang regalo ay dapat walang koneksyon sa trabaho ng government employee o official.