Ganap nang naging bagyo ang Low Pressure Area (LPA) sa silangan ng Virac, Catanduanes.
Ayon sa PAGASA ang sentro ng bagyong Ineng ay pinakahuling namataan sa layong 930 kilometro silanga ng Virac.
Taglay ng bagyong Ineng ang pinakamalakas na hanging umaabot sa 55 kilometro kada oras at may pagbugso na umaabot sa 70 kilometro kada oras.
Ang bagyong Ineng ay kumikilos pa kanluran hilagang kanluran sa bilis na 15 kilometro kada oras.
Ayon sa PAGASA maliit ang tsansa ng bagyong Ineng na mag landfall sa anumang bahagi ng bansa subalit posible itong lumakas at maging tropical storm sa loob ng 24 oras.
Gayunman walang inaasahang direktang epekto ang bagyong ‘Ineng’ partikular sa Metro Manila at inaasahang lalabas ito ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa araw ng linggo.