Nais ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na i-deploy sa Palawan o Sulu ang bagong barko ng Philipine Navy ang BRP Conrado Yap.
Ito ang naging pahayag ni Lorenzana sa gitna ng naging arrival ceremony ni BRP Conrado Yap kahapon.
Ayon kay Lorenzana, kung siya ang tatanungin ay mas nais niyang sa naturang mga lugar i-istasyon ang bagong barko ng navy.
Sa kabila nito, ipinauubaya na niya sa pamunuan ng Philippine Navy kung kelan nito ipadadala ang naturang barko sa katimugang bahagi ng bansa.
Samantala, tinawag na most poweful ship ni Navy Chief Vice Admiral Robert Empedrad ang kanilang bagong barko na donasyon ng South Korean government.
Samantala kahapon din ay winelcome ang pagbabalik bansa ng BRP Davao Del Sur mula sa Russian navy celebration sa Vladivostok.