Nagkasa na ang 24 oras na animal checkpoint sa ilang lugar na mayroong kaso ng pagkamatay ng mga baboy dahil sa hindi pa matukoy na sakit.
Sa Rodriguez, Rizal, mahigpit na binabantayan ng mga tauhan ng munisipyo at barangay ang mga pumapasok at lumalabas na buhay na baboy at maging mga karne nito.
Ito ay kahit pa hindi diretsahang tinukoy ng Department of Agriculture ang Rodriguez sa mga bayang mayroong mataas na bilang ng mga nagkakasakit na alagang baboy.
Samantala, umaaray na ang ilang magbababoy sa naturang bayan dahil sa sobrang tumal ng bentahan nito.
May ilang mga pwesto din ang nagsarado na simula nang mapabalita ang pagkamatay ng mga baboy.