Panahon na para repasuhin ang Willdlife Act.
Ito ang iminungkahi ni Dr. Theresa Mundita Lim, executive director ng ASEAN Centre for Biodiversity at dating director ng Department of Environment and Natural Resources’ Biodiversity Management Bureau (DENR-BMB) sa panayam ng DWIZ, kasunod ng ulat na nanghimasok na rin ang mga wildlife traffickers at traders o mga iligal na nagbebenta ng wildlife species sa social media platform na Facebook.
Layon ng Republic Act No. 9147 o Wildlife Resources Conservation and Protection Act na maglaan ng pondo para proteksyunan at pangalagaan ang wildlife resources sa bansa at kanilang mga tirahan.
Ayon kay Lim, walang enforcement team ang DENR para tutukan ito kaya’t kinakailangang paigtingin ang pakikipag-ugnayan ng ahensya sa kapulisan.
Dapat din aniyang palakasin ang intelligence gathering kaugnay sa mga nasa likod ng iligal na gawain dahil lumalaganap na aniya sila at ngayo’y ginagamit na ang Facebook sa pakikipagtransaksyon.
Kailangan aniyang maipaalam sa publiko ang kahalagahan ng mga wildlife species sa bansa at makipagtulungan para sugpuin ang mga wildlife traffickers.
Tingin ko about time na, na dapat mareview yung Wildlife Act. Malakas siya during its time kasi tumaas yung penalty, ganon. Pero dapat talaga mareview na yung Wildlife Act base sa mga experience natin at mastrengthen kasi marami na silang mga ibang para-paraan,” ani Lim.
Ratsada Balita Interview