Sinuspindi ni Bohol Governor Arthur Yap ang importasyon ng karne sa lalawigan.
Ipinag-utos ito ni Yap kasunod ng pagkamatay ng mga alagang baboy sa Rodriguez, Rizal dahil sa hindi pa matukoy na sakit.
Sinabi ni Yap na dating Agriculture secretary na pababakunahan rin nila ang mga alagang baboy sa lalawigan at magsasagawa ng deworming activity.