Ginugunita ngayon ang ika-36 na anibersaryo ng pagkamatay ni dating senador Benigno Aquino.
Sa pamamagitan ng Proclamation No. 789 na nilikha noong Arroyo administration, itinakda ang Agosto 21 kada taon bilang Ninoy Aquino Day.
Maliban sa pagiging gobernador ng Tarlac at senador, nakilala rin si Ninoy bilang isang newspaperman.
Nakulong noong panahon ng martial law bago nag-exile sa amerika at noong August 21, 1983, nagtangkang bumalik ng Pilipinas subalit pinatay sa tarmac ng Manila International Airport na kilala ngayon bilang Ninoy Aquino International Airport.
Ang kanyang pagkamatay ang naging mitsa ng EDSA revolution na nagpatalsik kay dating pangulong Ferdinand Marcos.