Sinimulan nang ipatupad ng Saudi Arabia ang maituturing na landmark reform sa pagtrato sa kanilang mga babaeng kababayan.
Pinaluwag ng Saudi government ang kanilang guardianship kung saan kailangang humingi ng permiso ang mga babae sa kanilang guardian na lalake tulad ng ama, asawa o lalakeng kamag-anak kung nais nilang bumiyahe sa abroad.
Sa ilalim ng bagong panuntunan, maaari nang kumuha ng pasaporte ang mga babae na may edad 21 years old pataas at bumiyahe kahit walang permiso ng male guardian.