Iniimbestigahan na ng MPD o Manila Police District kung may foul play sa insidente ng pagkamatay ng isang 66 anyos na lalaking akusado sa pangmomolestiya sa isang batang babae sa Maynila.
Ito ay matapos tumalon ang hindi na pinangalanang lalaki sa ikatlong palapag ng Manila City Hall.
Batay sa ulat ng MPD, inaresto ng Pandacan Police Station ang nabanggit na lalaki noong Martes dahil sa pang-aabuso sa isang pitong taong gulang na bata.
Dinala ito sa Manila City Hall nitong Miyerkules para isailalim sa inquest proceedings sa prosecutor’s office pero nagsabi itong nahihilo at masama ang pakiramdam.
Nang tanggalan na ito ng posas, bigla na lamang itong tumakbo at tumalon sa gusali.
Isinugod naman ang akusado sa Justice Jose Abad Santos General Hospital kung saan idineklara na itong dead on arrival.