Walang pag-asang maipapasa ang Sexual Orientation and Gender Identity and Expression (SOGIE) Equality bill sa senado.
Ito’y ayon kay Senate President Vicente “Tito” Sotto III makaraang lumutang ang naturang panukala dahil sa nangyaring anila’y diskriminasyon at pag-aresto sa isang transwoman na pinakaitan umanong gumamit ng pambabaeng palikuran sa isang mall sa Quezon City.
Ayon kay Sotto, maaari pa na magpasa ang kamara ng anti-discrimination bill na nakasentro sa karapatan ng lahat ng tao at hindi lamang sa mga miyembro ng LGBTQ (lesbian, gay, bisexual, transgender and queer) community gaya na lamang ng SOGIE bill.
Samantala, magugunitang hinikayat ni Senadora Risa Hontiveros ang kanyang mga kapwa senador para sa agarang pagpasa sa naturang panukala kasunod ng naturang insidente na kinasangkutan ng isang transgender woman.