Matatapyasan ang budget ng 10 ahensya ng pamahalaan sa ilalim ng panukalang 4.1-T proposed 2020 national budget.
Sa isinumite ng national expenditure program na isinumite ng Department of Budget and Management (DBM) sa Kamara, kabilang sa mababawasan ng pondo ang Department of Health (DOH), Department of Industry (DTI), Department of Labor and Employment (DOLE) at Department of Information and Communications Technology (DICT).
DBM naman ang may pinakamalaking tapyas sa budget na sinundan naman ng Ombudsman.
Mahigit doble naman ang itinaas ng pondo ng Department of Transportation (DOTr) sa susunod na taon.