Walong (8) malls ang kuwalipikadong maging voting centers sa 2016 elections.
Ayon kay Commission on Elections (COMELEC) Chairman Andres Bautista, ito’y kinabibilangan ng Ayala Malls, Fisher Mall, Gaisano Grand Malls, Megaworld Lifestyle Malls, Pacific Malls/Metro Gaisano, Robinsons Malls, SM Supermalls at Waltermart Community Malls.
Sinabi ni Bautista na base sa isinagawa nilang background check, ang mga may-ari ng mga nabanggit na mall ay walang anumang political affiliation at walang sinuportahang kandidato sa nakalipas na dalawang halalan.
Nauna nang inihayag ng COMELEC na wala silang balak gawing voting centers ang mga mall na pag-aari ng ilang pulitiko tulad ng gateway mall na pagmamay-ari ng pamilya ni Liberal Party standard bearer Mar Roxas at Star Mall na pagmamay-ari ni Senador Cynthia Villar ng Nacionalista Party.
By Meann Tanbio