Nananatili ang Pilipinas sa mga bansang kabilang sa “White List” ng International Marine Organization (IMO).
Ang White List na inilalabas ng IMO ay listahan ng mga bansa sa buong mundo na sumusunod ng maayos sa mga itinakdang probisyon ng Certification and Watchkeeping for Seafarers (STCW).
Base sa isinagawang sesyon ng maritime safety committee ng organisasyon ay nakatugon ng maayos ang Pilipinas sa mga probisyong ito.
Ayon sa Marina, ang pagkakasama ng Pilipinas ay patunay na ginagawa ng pamahalaan ang lahat para makapagproduce ng magagaling na Pilipinong mandaragat.
Samantala, hinamon naman ni Transportation Secretary Arthur Tugade ang Marina na tiyakin na patuloy ang maayos na pagtugon ng bansa sa naturang international maritime standards.