Magpapatupad ng malawakang balasahan ang Department of Education (DepEd) sa mga opisyal nito sa buong bansa simula ngayong taon.
Batay sa ipinalabas na memorandum ni Education Secretary Leonor Briones, unang masasampulan ng re-shuffle ang mga assistant regional directors at division superintendent na gagalawin na ngayong taon.
Susundan ito ng pag galaw sa mga regional directors at assistant division superintendents sa susunod na taon.
Binigyang diin na balasahan ay batay sa karapatan ng kalihim na i-re-assign ang mga kanyang mga tauhan at wala ng ibang dahilan pa.