Nahaharap sa patong-patong na kaso ang anak ni dating Senador Robert Jaworski matapos na maka-engkwentro ang mga pulis sa Makati City noong Sabado.
Ito ay matapos na maaresto ito sa Makati Medical Center kung saan siya nagpagamot para sa tama ng bala sa kanyang hita.
Kabilang sa mga ikakaso kay Ryan Joseph Jaworski ay homicide, direct assault at illegal possession of firearms.
Ayon kay NCRPO Spokesperson Chief Inspector Kim Molitas, inilagay sa surveillance si Jaworski at dalawa pa nitong kasama dahil sa umano’y gunrunning activities ng mga ito.
Nakaamoy ang grupo sa entrapment operation kaya’t nanlaban ang mga ito sa paparating na pulis.
Arestado ang kasama ni Jaworski habang nakatakas naman ang isa pa.
By Rianne Briones