Pinawi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang pangambang bumalik sa EEZ ng Pilipinas ang Chinese survey ship na Zhang Jian.
Ito ay kasunod ng babala ni Ryan Martinson ng China Maritime Studies Institute ng US Naval War College na maaring bumalik sa EEZ ng Pilipinas ang barko.
Ayon kay Lorenzana, hindi dapat maalarma dahil hindi naman magtatagal sa lugar ang naturang Chinese vessel.
Anya, nakita sa satellite images na karamihan sa lugar ng naturang Chinese ship ay nasa labas ng EEZ ng Pilipinas na nasa bahagi ng Pacific Ocean.
Nilinaw ni Lorenzana na walang masama sa pagdaan ng isang foreign vessel basta’t hindi ito magtatagal sa teritoryo ng Pilipinas.