Pansamantalang nakalaya si dating foreign affairs secretary Perfecto Yasay.
Ito’y matapos makapaglagak ng itinakdang piyansa ng Manila Regional Trial Court na nagkakahalaga ng 240,000 piso.
Magugunitang inaresto si Yasay dahil sa umano’y paglabag sa General Banking Law.
Nakipag sabwatan umano ito sa lima nitong associates para makautang ng 350 million pesos sa Banco Filipino na sarado na ngayon at kung saan dating opisyal si Yasay.