Pagkutya sa ating Saligang Batas at justice system ang maagang pagpapalaya kay dating Calauan, Laguna mayor Antonio Sanchez na na-convict dahil sa kaso ng panggagahasa at pagpatay sa dalawang UP Los Baños students.
Ito ang binigyang-diin ni Interior Sec. Eduardo Año kung saan sinabi nito na dapat na mapagsilibihan ni Sanchez ang buong sintensya nito.
Ginawa ng kalihim ang pahayag kasunod ng ulat na kabilang si Sanchez sa libu-libong inmates na nakatakdang mapalaya dahil sa “good conduct” alinsunod sa Republic Act 10592 o ang Good Conduct Time Allowance Law .
Giit ni Año, rape with double murder ang kaso ni Sanchez na isa aniyang malinaw na heinous crime.