Nakumpiska ng National Meat Inspection Service o NMIS at Manila Veterinary Inspection Board o VIB sa Binondo ang 60 kilos ng ipinagbabawal na Chinese meat products.
Ayon sa NMIS, mga karne ng baka, baboy at peking duck na nagkakahalaga ng mahigit 20,000 pesos ang kabilang sa kontrabando na ipinagbawal ng China para ma export.
Kasunod nito, agad namang inutusan ni Mayor Isko Moreno ang Bureau of Permits and Licenses Office o BPLO na ipasara ang lahat ng tindahan na nagtitinda ng illegally imported meat products.
Samantala, pinapasuri na sa Manila City Legal Office ang kaukulang kasong maaring isampa laban sa nahuling meat shops.