Bumaba ang populasyon gayundin ang produksyon ng karneng kalabaw sa ikalawang bahagi ng kasalukuyang taon partikular na sa mga rehiyon ng Bicol, Western Visayas at Central Luzon
Batay sa datos ng PSA o Philippine Statistics Authority mula Abril hanggang Hulyo, nasa mahigit 36 na libong metriko toneladang Karne ng Kalabaw ang naitalang produksyon nito
Mababa ito kumpara sa naitalang mahigit 38 libong metriko toneladang produksyon ng Karne ng Kalabaw na naitala sa kaparehong panahon nuong isang taon
Kasunod nito, bumagsak din sa 3 percent ang total inventory ng mga nabubuhay pang kalabaw na nasa 2.8 million Livestock mula Abril hanggang Hulyo na mas mababa kumpara sa 2.88 million sa kaparehong panahon nuong isang taon
Sinasabing ang kawalan ng sapat na pastulan ang isa sa mga dahilan ng pagbagsak ng populasyon ng kalabaw sa Pilipinas at nakadagdag din dito ang pagkakaroon ng ordinansa sa ilang bayan na naglilimita sa pag-aalaga ng mga naturang hayop lalo’t kung walang espasyo para rito