Bumuo na nang special enforcement squad ang lokal na pamahalaan ng Maynila laban sa mga tindahang nagbebenta ng double dead meat o botcha.
Ito ay matapos masabat ang ilang kilo ng mga botcha sa iba’t-ibang establisyemento sa Maynila.
Ayon sa pagsusuri ng Veterinary Inspection Board at National Meat Inspection Service (NMIZ), ipinuslit ang mga nasabing botcha mula china.
Sa kabila na rin ito ng ipinatutupad na ban sa mga karne ng baboy mula China dahil sa mga napaulat na kaso ng Hog Cholera (HC) at African Swine Fever (ASF) sa bansa.
Kamakailan, inuulat ng Department of Agriculture ang pagdami ng mga namamatay na alagang baboy sa ilang bahagi ng Luzon dahil sa hindi pa matukoy na animal disease.