Iginiit ng China na hindi magbabago ang kanilang posisyon sa naging arbitration ruling ng South China Sea kahit pa plano ni Pangulong Rodrigo Duterte na buksan ang usapin kay Chinese President Xi Jinping.
Matatandaang hindi kinikilala ng China ang desisyon ng permanent court of arbitration sa The Hague na pumapabor sa pag-angkin ng Pilipinas sa West Philippine Sea.
Ayon kay Chinese Foreign Ministry Spokesman Geng Shuang, napatunayan na kung mapag-uusapan ng maayos ang isyu ay makabubuti ito para magkaroon ng regional peace at stability ngunit hindi mababago ang kanilang pag angkin sa malaking bahagi ng South China Sea.
Nakatakdang magbyahe si Pangulong Duterte sa China sa ika-limang pagkakataon sa August 28 hanggang September 1.