Malaki ang papel ng media at social media para maipakilala sa mga kabataan ang mga bayani ng ating bansa.
Pahayag ito ni Professor Xiao Chua, isang historian kaugnay sa selebrasyon ngayon ng National Heroes Day.
Ayon kay Chua, normal lamang naman na hindi kilala ng lahat ng Pilipino kung sino sino ang mga bayani ng bansa.
“Nagkakaroon ng parang awareness yung mga tao meron tayong mga bayani, na mga kilalang tao pero naturally, hindi naman lahat ng bayani o hindi naman maraming bayani ang maaalala mo kung hindi ka naman talaga nag aaral. So ang importante ay alam mo yung basic story kung bakit nila ginawa ito tas maging inspirasyon yun sa mga tao.”
Samantala, hindi makapagbigay ng kanyang posisyon bilang historian si Chua sa planong pagpapalit sa pangalan ng headquarters ng Armed Forces of the Philippines mula sa Camp Emilio Aguinaldo ay gagawing Camp Antonio Luna.
Ayon kay Chua, dapat isangguni ito ng AFP sa ibat ibang historians at mga eksperto dahil parehong hindi perpekto ang pagiging bayani nina Aguinaldo at Luna.
“Very imperfect yung kanyang legacy pero kung Antonio Luna naman yung paguusapan, ehy ganon din naman siya kasi bagamat matapang siya, kahit sina Mabini hindi gusto yung mga mala diktador niyang way. Kailangan makita din natin yung history ng dalawa. Talaga namang pinagde-debatehan ang mga pang kasaysayan natin pero nakakalungkot lang kasi eto naman tayo, pag meron ka kasing kailangan tanggalin, meron kang ipapalit. Bagamat totoo namang nag away itong dalawang ito, eh nag aaway na naman sila so walang katapusan yung pag aaway nila. Patay na nga sila, nag aaway parin sila.” — Pahayag ni Professor Xiao Chua, historian ng De La Salle University.
(Ratsada Balita interview)