Mahigit P20-M halaga ng mga imported na karne at dimsum mula Brazil at China ang nakuha ng mga otoridad sa isang apartment sa Tondo, Maynila.
Kasunod ito ng nasabat na bulok na mga karneng itatapon sana ng isang van sa road 10 sa naturang lugar.
Tinukoy ng naarestong drayber kung saan ang kanilang bodega kaya nagsagawa ng raid dito ang mga otoridad.
Tumambad sa kanila ang mga sea weeds na nakalagay lamang sa timba, mga expired na dimsum at mga Peking duck na mayroong hindi mabasang label.
Matatandang ipinagbawal ang importasyon ng naturang mga produkto dahil sa banta ng sakit na African Swine Flu sa Brazil at Avian Flu sa China.
Inaayos na ang kasong paglabag sa food safety act at meat inspection code na isasampa sa mga may ari at iba pang indibwal na nasa likod ng natagpuang hot meat.