Ipepresinta ngayong umaga ni PNP Chief P/Gen. Oscar Albayalde ang Secretary General ng Communist Party of the Philippines (CPP) na si Estrelita Suaybaguio.
Si Suaybaguio ay nadakip ng pinagsanib na puwersa ng militar at pulisya sa kaniyang Condo Unit sa 20th Avenue, Cubao, Quezon City kahapon.
Ikinasa ang operasyon laban kay Suaybaguio sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Quezon City Regional Trial Court Branch 89 Executive Judge Cecilyn Burgos – Villavert dahil sa kasong illegal possession of firearms & explosives.
Batay sa impormasyon naman mula sa National Capital Region Police Office (NCRPO) at Quezon City Police District (QCPD), nakuha mula sa tinutuluyang unit ni Suaybaguio ang isang 9mm na pistola, granada at mga subersibong dokumento.