Pinag-aaralan na ng Department of Budget and Management (DBM) ang posibleng panibagong omento sa sahod ng mga empleyado ng pamahalaan.
Ayon kay Budget Acting Secretary Wendel Avisado, nakikipag-ugnayan na sila global professional services firm na Towers Watson at government commission for government owned and controlled corporation para pag-aralan ang usapin.
Aniya, inaasahan nilang matatapos ang nasabing pag-aaral sa taas sahod ng mga government employees sa Oktubre at agad nila itong isusumite sa kongreso.
Dagdag ni Avisado, nakapaloob din sa panukalang mahigit apat na trilyong pisong pondo sa 2020 ang P31-B para sa compensation adjustment.
Magugunitang ngayong taon ibibigay ang ikapat o huling installment ng 4-year salary adjustment ng mga empleyado sa gobyerno sa ilalim ng executive order number 201 ni dating Pangulong Noynoy Aquino.