Natakdang tumulak patungong China si Pangulong Rodrigo Duterte ngayong araw para sa kanynag official visit mula August 28 hanggang September 2.
Ang ikalimang beses na pagbisita ng pangulo sa China ay batay sa imbitasyon ni Chinese President Xi Jin Ping.
Nanindigan ang Malacañang na tatalakayin ni Pangulong Duterte ang naging ruling ng international arbitral court kaugnay sa usapin sa West Philippine Sea sa kanilang magiging pag-uusap ni President Xi.
Magkakaroon din ng bilateral meeting ang pangulo kay Chinese Premier Li Keqiang sa Great Hall of the People na susundan ng pagdalo ng pangulo sa opening ceremony ng FIBA World Cup.
Magtutungo rin ang pangulo sa Guangzhou, Guangdong Province kung saan makikipagpulong siya kay Chinese Vice President Wang Qishan.