Pinag-aaralan na ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at Anti-Money Laundering Council (AMLC) ang epekto sakaling mawala na ang Philippine offshore gaming operations (Pogo) sa bansa kasunod ng pag-apela ng China na itigil na ang online gambling sa Pilipinas.
Ayon kay BSP Governor Benjamin Diokno, kumikilos na ang AMLC team at financial stability team ng BSP para alamin ang magiging impact ng sitwasyon sa ekonomiya ng bansa.
Kabilang din sa pag-aaralan ay ang risk o panganib sakaling patuloy ang maging paglago ng Pogo industry sa bansa.
Sa pagtaya ng Philippine Gaming Corporation (Pagcor), nasa 58 lisensiyadong Pogo operators sa bansa habang tinatayang nasa 130,000 ang Chinese nationals na nagtatrabaho sa mga ito.