Dumulog sa Korte Suprema ang grupong Migrante International at Makabayan bloc para kwestiyunin ang legalidad ng ilang probisyon ng Social Security Act of 2018 na nag-oobliga sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na magbayad ng kontribusyon sa SSS.
Sa pangunguna ni Bayan Muna party-list Chairman Neri Colmenares, inihain sa SC ang petition for certiorari and prohibition na naglalayong mapawalang bisa ang ilang probisyon sa Republic Act 11199 na nag-oobliga sa OFW na magbayad ng kontribusyon sa SSS bago sila payagang makaalis sa bansa.
Iginiit ng grupo na hindi makatarungan na saluhin nang buo ng bawat OFW ang 7,200 na mandatory contribution sa SSS dahil tulad ng mangaggawa sa pribadong sektor ay dapat ay may share din ang employer sa magiging kontribusyon.
Inihirit ng grupo na ipawalang bisa ang naturang probisyon ng SSS dahil dehado ang mga OFW sa benepisyong tinatamasa ng mga manggagawa sa bansa.