Isinusulong sa kamara na ituro sa mga paaralan ang sex education upang mapigilan ang paglobo ng mga kaso ng teen pregnancy sa bansa.
Kabilang lamang ito sa mga paraan na nilalaman ng House Bill 2297 o Prevention of Adolescent Pregnancy Act na inihain ni Laguna Rep. Sol Aragones at Albay Rep. Edcel Lagman.
Layon ng naturang panukalang batas na magkaroon ng national policy para mapigilan ang teenage pregnancy at ma-institutionalize ang proteksiyon na ibinibigay sa mga teenage parents.
Pinakikilos nito ang mga ahensiya ng gobyerno tulad ng National Youth Commission, Department of Education (DepEd), Department of Health (DOH), Department of Social Welfare and Development (DSWD), Commission on Population and Development (Popcom) at iba pa para magdevelop ng medium term national program action para pagilan ang maagang pagbubuntis ng mga kabataan.
Kasama nga dito ang pagtuturo ng komprehensibong responsableng sex education sa mga estudyante simula sa grade 5 pataas at sa out of school youth.