10,000 Pilipino ang target ng gobyerno na mairehistro sa pilot testing ng national identification system.
Ipinabatid ito ni National Economic and Development Authority (NEDA) Director General Ernesto Pernia na nagsabing iiral ang pilot testing mula Setyembre hanggang Disyembre.
Ayon pa kay Pernia, unti-unting dadagdagan ang mairerehistro sa sistema sa sandaling maayos na ang proseso.
Target naman aniya sa taong 2020 na mairehistro ang 50-M Pinoy habang ang dagdag na 50-M pa sa taong 2021 kasama ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs).