Suportado ng ilang senador ang isinasagawang imbestigasyon ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) at Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa posibleng epekto ng operasyon ng Philippine Online Gaming Operations (POGO) sa bansa.
Naniniwala si Senate Minority Leader Franklin Drilon na pasok sa usapin ng money laundering ang POGO kaya hindi ito maaring ipagwalang bahala.
Sinabi naman ni Senador Joel Villanueva na dapat na masuring mabuti ang kahalagahan ng POGo industry sa bansa lalo pa’t hindi naman Pilipinong manggagawa ang siyang nakikinabang dito bagkus ay dumami pa ang mga dayuhang manggagawa dahil sa naturang industriya.
Samantala, para naman kay Senador Francis Pangilinan, dapat nang kanselahin ang lahat ng lisensiya ng mga POGO sa bansa.
Ayon kay Pangilinan, iligal ang sugal sa China kaya tinatakasan ito ng mga Chinese criminal kaya dito sila nag-ooperate sa Pilipinas sa pamamagitan ng POGO.