Binanatan ang National Food Authority (NFA) sa pagdinig sa senado dahil sa pag-iimbak ng 4-M sako ng imported na bigas.
Sa pagdinig ng senate committee on agriculture and food, pinagsabihan nina Senadora Cynthia Villar at Senadora Imee Marcos ang NFA dahil sa hindi pagbili ng palay sa mga magsasaka gayong bahagi ito ng kanilang mandato.
Inamin ni NFA Administrator Judy Carol Dansal na mayroong milyon-milyong sako ng imported na bigas sa kanilang warehouse kaya hindi magawa ng NFA na bumili ng palay sa mga magsasaka.
Sa kabila nito ay pinagsisikapan na aniya ng ahensiya na maibenta ang naturang mga bigas upang maging pera at maibili naman ng palay sa mga lokal na magsasaka.
Sinita rin ng mga senador ang NFA sa mabagal na pagpapalabas ng rice competitiveness enhancement fund na bahagi ng Rice Tarrification law na naglalayong maitaas pa ang pagiging produktibo ng mga magsasaka.