Umaasa ang grupo ng mga engineers na mabibigyang-pansin na ngayon ang panukala nilang gawing one-way traffic na lamang ang EDSA at ang C5.
Ayon kay Engineer Fernando Guevarra ng GPI Engineers Inc., bukas ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa kanilang panukala at sa katunayan ay nagbigay na sya ng presentation sa ahensya.
Sinabi ni Guevarra na 2016 pa nang isumite nila ito sa pamahalaan subalit isang liham hinggil sa mga proyektong subway, skyway at iba pa ang ipinadala sa kanila ng Department of Transportation (DOTr).
Kumbinsido si Guevarra na sagot sa matinding traffic ang kanilang panukalang one-way scheme dahil ilang taon rin nila itong pinag-aralan.
Yung sa C5 we have 6 and sa EDSA we have 10 lanes. Yung sa sinasabi kong RC4, another lane ‘yan madadagdag going norte naman yon north to south din yon atsaka south to north, pero mapapansin niyo yung Roxas Boulevard, baka 6 lanes yan, e. Pero may dalawang lane ditto, o tatlo pang lane na ginagamit na parking lang, e, saying naman yon, dapat gawing kalsada yon. Yun ay tinutumbok yun hanggang sa Monumento ni Rizal, e. So, madadagdagan ka ng dalawang lanes, so, yung Roxas boulevard magiging 8 lanes na ngayon yon. Doon makakadaan pabalik yung ibang sasakyan,” paliwanag ni Guevarra.
Sinabi ni Guevarra na sakaling gamitin ng pamahalaan ang panukala nilang one-way scheme, kAIlangan sabayan nila ito ng epektibong bus scheme kung san maglalagay ng 96 na bus stops sa EDSA at sa C5.
In a desperate situation, you’ll do desperate solutions, actions, e. E ngayon wala pang pasko, paano na kung pasko na? Pagka konti yung bus stop mo, ang nangyayari itong mga bus na to nakikipag-unahan sa bus stop to, e. Kumbaga makikita mo punong-puno ng bus yung bus stop, so, in such a way na haharangin na yung mga ibang vehicle. Sa ano, every bus stop would be 500 meters, yan ay standard, ginagamit ng lahat ng bansa. Tapos yung 200 meters is yung distance between the bus stop and any residence in that area. Para makalakad yung tao tiyaka yung mga matatanda makakalakad,” ani Guevarra.
Ratsada Balita Interview