Naglayag ang isang U.S. Navy destroyer sa karagatang malapit sa mga islang inaangkin ng China sa South China Sea.
Napag-alamang dumaan ang Wayne E. Meyer, isang Arleigh Burke-class guided missile destroyer sa bahagi ng fiery cross at mischief reefs.
Ayon kay Commander Reann Mommsen, spokesperson ng U.S. Navy 7TH fleet na nakabase sa Japan, layon ng kanilang operasyon na hamunin ang sobra-sobrang maritime claims ng China at upang mapanatili ang malayang paglalayag sa karagatan na ginagabayan ng international law.