Nangangamba ang isang kongresista na baka mauwi sa korupsiyon ang pagpapatupad ng Good Conduct Time Allowance (GCTA).
Ayon kay Ako Bicol party list Alfred Garbin, wala umanong transparency at hindi malinaw ang mga guidelines ng naturang batas.
Aniya, kailangan ay siguraduhing nasusunod ang tamang proseso na nakapaloob sa batas na nakabase sa good conduct ng isang bilanggo.
Dagdag pa ni Garbin, kailangang gumawa ng pagdinig hinggil dito ang kamara upang mapag-aralan ito ng maigit at masiguro na tanging mga eligible lamang ang makalalabas ng kulungan.
Matatandaang naghain na si Garbin ng resolusyon sa kamara para maimbestighahan at mapag-aralan mabuti ang GCTA.