Bumuo na ng isang joint committee ang Department of Justice (DOJ) at DILG para pag aralan ang mga panuntunan sa pag compute sa credit and time allowances batay sa Republic Act 10592 o Good Conduct Time Allowance (GCTA).
Kasunod na rin ito ng kontrobersya sa maagang paglaya ni convicted rapist murderer Antonio Sanchez.
Nakasaad din sa joint department order 01 ang pansamantang pag suspindi sa pag proseso ng mga GCTA sa loob ng 10 araw.
Tatayong chairman ng komite ang isang Justice Undersecretary at Co-Chair niya ang isang interior undersecretary samantalang miyembro ang mga kinatawan ng DOJ, DILG, Bureau of Corrections, Parole and Probation Administration, Board of Pardons and Parole at BJMP.
Binigyan ng 10 araw ang komite para makapagsumite ng report at IRR.