Uubra nang magbalik-operasyon ang 19 na Small Town Lottery (STL) matapos makasunod sa mga kondisyon ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
Sinabi ni PCSO General Manager Royina Garma na maaari nang muling mag-operate ang mga nasabing STL operators kapag nalagdaan na ng Pangulong Rodrigo Duterte ang bagong Implementing Rules and Regulations (IRR).
Ayon kay Garma, ang STL operators ay nais makausap ng Pangulong Duterte na pipirmahan ang IRR pagbalik mula sa China.
Kabilang sa mga kondisyong itinakda ng PCSO para sa operasyon ng STL ay pagdedeposito ng Authorized Agent Corporations (AACs) ng cash bond na katumbas ng tatlong buwang PCSO share sa Guaranteed Minimum Monthly Retail Receipt (GMMRR) na bukod pa sa kasalukuyan nilang cash bond.