Nakumpiska ng mga otoridad ang daan-daang materyales na ginagamit sa illegal logging sa isang compound sa Palawan.
Kabilang dito ang mga chainsaw, compressor at ilang mining equipment.
Nagsumbong sa mga kinauukulan ang mga katutubo sa lugar na naging daan upang mapag-alaman ang illegal na gawain.
Madalas umanong walang kawani ng lokal na pamahalaan o kahit mga taga Department of Environment and Natural Resources (DENR) na rumoronda sa mga kagubatan.
Nalalaman lamang ang mga illegal na gawain kapag itinitimbre ito ng mga katutubo, ayon sa Palawan NGO Network Incorporated.
Samantala, wala pang inilalabas na pahayag ang lokal na pamahalaan ng palawan at DENR hinggil dito.