Pansamantalang pinapipigil ng Bureau of Immigration ang nakatakda sanang deportation ng apat na Chinese na convicted dahil sa iligal na droga ngunit napalaya sa ilalim ng Good Conduct Time Allowance o GCTA.
Ayon kay Deputy Spokesman Melvin Mabulac, kanila nang inabisuhan ang deportation unit na i-hold ang pagpapabalik sa kanilang bansa ng apat na Chinese.
Sinabi rin ni Justice Sec. Menardo Guevarra na naka-hold na ang deportation ng apat na dayuhan hangga’t hindi pa nare-review ang implementing rules and regulations at hindi pa nadedetermina ng joint committee ang dapat gawin sa mga inmate na nahatulan sa heinous crimes na napalaya na.