Tinatayang nasa 60 pamilya ang nagsilikas kasunod ng nangyaring engkuwentro sa pagitan ng Militar at NPA sa Sitio Morino, Brgy. Paitan, Escalante City sa Negros Occidental
Ayon kay Capt. Cenon Pancito, Spokesman ng 3rd Infantry Division ng Philippine Army, kasalukuyang nasa paitan Elementary School ang mga lumikas na residente at binigyan ng atensyong medikal gayundin ng Relief Goods ng CSWDO o City Social Welfare and Development Office
Magugunitang hindi bababa sa 30 NPA ang nakabakbakan ng tropa mula sa Army’s 79th Infantry Battalion sa nasabing lugar dakong mag-aala siete kahapon ng umaga na tumagal ng 45 minuto
5 rebelde ang nasawi sa engkuwentro habang sugatan naman at 3 sundalo na ngayo’y nasa ligtas nang kalagayan