Isinusulong ni Senador Ramon Revilla Jr. ang mas marami pang benepisyo para sa mga solo parents sa bansa.
Nais ni Revilla na maamyendahan ang solo parents welfare act of 2000 kaya isinumite raw niya ang bill number 9-5-1.
Ayon sa Senador, mapakikinabangan daw ng higit limampung milyong solo parents ang gagawing pag amyenda sa naturang batas.
Binanggit din nito ang pagbibigay ng 20 percent discount sa mga gamit ng mga anak ng mga solo parent partikular na ang gatas, diaper, gamot, bakuna at mga gamit sa eskwelahan.
Kasama rin sa panukala ang pagbibigay ng diskwento sa matrikula ng mga anak ng solo parent mula pre-school hanggang kolehiyo.
Matatandaang hindi lamang si Revilla ang nais magsulong ng namyenda sa naturang batas dahil noong Hulyo ay nagsumite rin ng panukalang magaamyenda sa batas si Senador Christopher “bong” Go.